Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
HomeInstalling...Oct 17, 2007


   





Photo AlbumHuling hirit sa bakasyon: Laguna! part 2Jun 3, '10 10:25 AM
for everyone


So dumating na kami sa resort at nagbihis na kami ng pangligo at nagstay muna sa kwarto para madama ang lamig ng room. Tapos ay nagstart na kaming magihaw ng BBQ. Eh dahil gusto naming magvideoke kaya nagask kami kay ate na kung pede ilipat yung videoke eh hindi pwede kaya nilagyan na lang ng table near the videoke para makakanta kami. Ayun nag prepare muna kami ng food.

Tas hinintay naming mawala yung mga bata sa swimming pool bago sumampa sa pool. Tas mga 10 na ata kami nakasampa sa pool at sinulit ang oras sa paglanggoy habang nakikinig ng music at habang naghahanda din ng pagkain.

Langgoy kami tapos kain tapos langgoy tapos inom ng alak. Ayun hanggang sa malasing si Siena at parang si Paul din. Tapos lumanggoy din kami sa bubble pool. Then bumalik sa private pool at hanggang alas dos kami andun at pinaanggat na kami ng guard kasi lilinisin na yung pool. So nagligpit na kami at naligo para makapagpahinga na.

Ayun nakatulog kami after naming manuod ng Zorro. then umaga na at unti-unti na kaming nagising. Hanggang sa magprepare na kami at nagligpit ng gamit at nagstay muna kami sa room upang manood ng animal planet. Kasi hinihintay pa namin yung magaayos ng sasakyan kasi nasira. Then after maayos ay nagbayad na sila at umuwi muna at pumunta na sa Ambon-ambon Falls.

VideoJun 3, '10 10:18 AM
for everyone

So here's our reserved room sa Gabriel Resort. it was nice and beautiful. So kinuhanan ko siya ng bidyo. nakakamiss na ang room na yan dahil malamig at napakacomfy ng lugar niya.



Download this and other original video files with Multiply Premium.

VideoJun 3, '10 10:16 AM
for everyone

So after naming kumain ng hapunan sa bahay nila Siena ay nagpahinga muna kami at nagmuni sa labas ng bahay nila. Ayun nandoon lahat ng mga alaga ni Siena. Andyan sa bidyo kung anung animal ang mayroon siya bale 4 na pusa meron siya tapos 2 aso.

Kaya bagay talaga sa kanya ang magvet dahil dyan.



Download this and other original video files with Multiply Premium.

VideoJun 3, '10 10:12 AM
for everyone

So ayan ang set-up namin sa loob ng sasakyan ni paul noong papunta na kami at naghahanap ng magandang resort na pagswiswimmingan naming lahat. So nasa driver seat si Paul tapos katabi niya si Siena tapos sa likod na gitna ay si Marco at sa dulo niya ay si Dianne at malamang ay ako ang kumukuha niya.

Di ko lang alam kung ano ang pinaguuspan namin ng mga oras na yan. Basta kuha lang ako ng bidyo eh.



Download this and other original video files with Multiply Premium.

Photo AlbumHuling hirit sa bakasyon: Laguna!Jun 3, '10 9:53 AM
for everyone

Buti na lang at natuloy na din itong bakasyon kela Siena sa Laguna. Actually nauudlot ito pero ngayon talaga ay natuloy na at nangyare ito noong May 31-June 1, 2010. So 2 araw kaming tumagal sa teritoryo ni Siena.

So nagkita kami ni Marco sa KFC sa LRT para dumerecho na sa bus station sa may Legarda (near FEU). Tapos doon namin hinintay si Dianne at sumakay kami sa ordinary bus ng Richmond bus station. Umalis kami ng mga 11:45 ata. Tapos grabe ang bus trip namin dahil punuan siya at talagang mainit kasi tanghali na nung umalis kami. Di ko expected na ganoon pala ang bus na yun! Papuntang Infanta Quezon ang ride na yan. Sinabi ko na sa konduktor na ibaba kami sa Junction ng Mabitac.

Then after 4 hours na ride namin ay sa wakas at nakatungtong din kami sa Mabitac, laguna kaya tinawagan na kami ni Siena at dumating din siya agad. Kasama niya yung kababata niya na si Paul Angelo (anak ng isang mayor ng Mabitac). At doon ay hinatid niya kami sa lahat ng aming destinasyon sa bakasyong ito. So dahil gutom na kami ay pumunta kami sa El Cusinero.

Dito madaming nangyareng nakakatawa. Una yung waiter parang naguguluhan pa sa order namin hanggang may mabanggit siya na ikinatuwa namin na "Mais kong yelo." Tapos noon ay kumain na kami. Ayun usap-usap hanggang sa may dumapong langaw sa Mias con Yelo ko at napadpad siya sa pinakainumin ko. Ayun sayang dahil di ko yun nakain. Tawanan na lang kaming lahat.

After naming kumain ay dumerecho na kami sa bahay nila Siena upang magcharge at magpahinga ng kaunti. Tapos pinakilala niya ang kanyang mga alagang aso at pusa at umalis ulit at pumunta naman sa bahay ni Paul kasi magpapalit daw siya ng damit kasi nakapangnurse pa siya na suot. So nagstay muna kami doon at kumuha ng litrato. Maganda naman ang bahay nila at may Palaisdaan sila. Tlagang bigatin sila kasi kilala sila sa lugar kasi nga mayor ang tatay niya.

Then after namin doon ay nagsimula na kaming magpunta sa mga resort at nagcanvass kung saan talaga kami pupunta. at ang napagdesisyunan namin ay sa Gabriel Resort. Kasi maganda ang loob ng resort na iyon at maganda ang pool at malinis at nakakatawa si Ate yung namamahala ng resort. Kasi ba naman "jhewah" ang sinasabi niya (Jowa dapat). Ayun then nagpareserve na kami ng room at umalis ulit kasi kakain muna kami ng hapunan sa bahay nila Siena kasi naghanda ang mga magulang niya ng hapunan.

Nang dumating kami sa bahay nila talagang grabe ang handa kasi ang sarap ng mga handa. May lechong manak, crispy pata, soup, pusit, basta ang dami. At ang sarap! Nabusog kami at nagpahinga ng kaunti at dumerecho na sa bahay ulit nila Paul para kumuha siya ng gamit at dumerecho na kami sa Resort!

Photo AlbumQoola and BedspaceJun 3, '10 9:43 AM
for everyone


So ito pala yung mga karagdagang mga litrato na nagmula kay Dianne nung nagpunta kami sa Ayala. Ito yung ikalawang parte ng Ayala escapade naming tatlo nila Marco.

So ito ang ginawa namin after kaming pumunta sa Glorietta:
-pumunta ng Greenbelt
-naglibot muna
-naghanap ng makakain
-pumunta sa Qoola at inenjoy ang Yogurt ice cream
-nagrelax sa Qoola store
-naglibot ulit
-nahanap ang Bedspace
-Kumain sa bedspace at nagenjoy!

Ayun masaya naman ang aming Ayala escapade at pinagdesisyunan namin na mapapadalas ang punta namin at itratry namin ang mga fine dining resto sa greenbelt! Can't wait!

Photo AlbumGlorietta.Jun 3, '10 9:36 AM
for everyone

Eto pa yung mga litrato na kuha sa camera ni Dianne. Bale inilagay ko lang dito para mayroon din akong remembrance sa nangyareng gala namin sa Glorietta. This was the first part of our Ayala escapade.

So ang mga nangyare ay:
-lumibot sa Glorietta
-naghanap nang kainan
-kumain sa Kenny Rogers
-nag-usap
-hinanap ang Timezone
-kumanta sa music zone ng Timezone!

Photo AlbumFree Anti-rabies Vaccination ProgramMay 28, '10 6:18 AM
for everyone

This program was accomplished last April 18, 2010 at Panghulo Seventh-Day Adventist Church @ Bautista-Macanas Streets, Malabon City. This was made during their 20th Founding Anniversary.

Bale ang kabatch ko na si Joseph ang nag-invite sa SAVER na magconduct ng anti-rabies at sinuportahan naman namin ito. Kasama namin ang aming adviser na si Doc Vergel na talagang nirequest ni Joseph. Tapos kasama ko din sila Cha-cho, Deny, Jacob, Julie, Danjing, Lloyd, Ronn, at Carlo. So andun na kami ng mga 9:00 am at dinivide din kami sa dalawa.

So kami together with Doc Vergel, Julie, Danjing, and Carlo naiwan sa pinakasimbahan nila upang doon maghintay ng mga aso na babakunahan tapos sila Chacho, Deny, Jacob, Lloyd at Joseph naman ang naghouse to house. So madami naman kaming aso at pusa na nagpabakuna sa amin at kumonsulta kay Doc Vergel.

Tapos kinaapunan naman ay dumating na sila Chacho at nagpalitan naman kami. Sila naman ang tumigil sa simbahan at kami naman ang naghouse to house. Madami din kaming nabakunahan at naserbisyuhan. Naging fulfilling naman ang nangyare kasi nakatulong kami.

Salamat din pala sa mga member ng Seventh-Day Adventist Church for their food and accomodation and plus the souvenirs they made to us. Sana mayroon pang kasunod! This was my second vaccination and it was fun!

VideoMay 27, '10 11:22 PM
for everyone

So eto ang last stop namin sa Greenbelt. Actually dito na lang kami nagspend ng time sa Greenbelt at kumain ng dinner after naming mamasyal at nagchill sa Qoola. Actually ang saya ng ambiance at talagang mapapasayaw ka sa tugtog at mapapahang-out ka sa lugar dahil kaysa pangkaraniwang upuan at table ang makikita mo dito, puro kama ang makikita mo. So kakaibang experience ang madadama mo dito.

Ayos naman din ang presyo nila sa kanilang mga foods at drinks. Kaya sa palagay ko ay mauulit pa ang pagpunta namin doon.



Download this and other original video files with Multiply Premium.

Photo AlbumGlorietta and Greenbelt adventureMay 27, '10 11:16 PM
for everyone

Last May 26, 2010 nangyare ang pag gala namin nila Dianne at Marco sa Greenbelt at Glorietta. Wala lang gusto lang namin gumala at pumunta sa Makati at mamasyal.

So ginawa namin ay kumanta sa loob ng isang booth ng Timezone, Kumain sa Kenny Rogers, Namasyal sa Greenbelt, Nagchill sa Qoola (masarap ang kanilang yogurt dessert), at Naghang-out sa Bedspace!

It was a fun day sa amin! Lalo na nung nadiscover nila yung mga lugar na gusto kong puntahan sa Greenbelt. Mauulit pa nga ito eh. Basta alam na namin kung saan kami mamasyal talaga.

Photo AlbumOrange SwitMay 27, '10 11:11 PM
for everyone

After ko kumain ng dinner ay pinabili ko si ermats ng makakain naming matamis. At eto nga ang kanyang binili. Actually nung nakita ko ito ay nasiyahan ako dahil muli ko na namang nakita ang sweets na ito.

Dati kasi kinakain ko ito dati. Kakaiba kasi ang lasa neto at syempre malalasahan nyo ang pagkaorange nya. Ayun. I just missed this one and I ate it already! Yum!

Photo AlbumGetting Myself WetMay 27, '10 11:08 PM
for everyone

triny ko lang na picturan ang aking sarili sa loob ng aming banyo. Maganda naman ang mga kuha. Sarap pa maligo dahil pampatawid init sa katawan. Ang init kasi sobra!

Photo AlbumNVAT RESULTMay 17, '10 10:47 PM
for everyone


Eto na ang pinakahihintay ng mga 2nd year Veterinary medicine students. Yan ang NVAT results. Ang NVAT ay isang test upang maging Veterinary proper ka na. Dito nagkakaalaman kung magtake ka ba ng mga major subjects ng Vetmed or hindi pa. So after 1 month ng paghihintay ay lumabas na siya.

Nakita ko ang resultang ito kahapon habang nagdedefense si Mike. So Madaming nakapasa sa 2nd year pero may ibang higher year na pumasa na din. May mga kabatch din ako na nagtake ng NVAT at pumasa!

Kaya sa mga pinalad na pumasa, congratulations senyo! Galingan nyo this school year! Di na biro ang pagdadaanan niyo.


VideoMay 17, '10 10:41 PM
for everyone

Sa bidyong ito makikita niyo kung ano ang ginawa namin after ng defense ni Mike. Syempre kumakain kami ng Pizza nyan at nagpapakabusog sobra sa pizza. Andyan yung mga taong involve noong araw na yan.

Andyan kaming mga Saver brods na sumuporta kay Mike, andyan din ang mga professor na naging parte ng board upang makita at masaksihan ang defense ni Mike, at ang kanyang girlfriend ata.

So ayan naman lamon kami at kwentuhan lang to the max.



Download this and other original video files with Multiply Premium.

Photo AlbumThesis Defense ni Mike PertubalMay 17, '10 10:32 PM
for everyone


Nangyare ito kahapon May 17, 2010. Actually inanyayahan niya ako na pumunta sa kanyang defense sa Monday ng bandang one. Umoo naman ako kaya pupunta naman ako. At dahil late na din ako nakadating sa school ay almost patapos na din ang defense ni Mike. Nakita ko pa sila Cha-cho, Utoy, Jepoi, Pinggoy na papunta sa defense ni Mike na bitbit na yung mga pagkain na kakainin after ng defense.

So pumasok na kami sa room kung saan siya nagdedefense at nakita ko na patapos na nga at grinagradean na. So after ng defense niya ay sinabihan na siyang Doc Muke Pertubal at grade ng defense nya ay 95 equivalent na 3.5. So Congrats sa kanya!

Tapos noon ay lamon time na! Dahil pizza ang handa niya ay talagang sinulit namin iyon siguro naka5 akong slice ng pizza nun habang nakikipagkwentuhan kela kuya Jepoi at Doc Vergel.

After naming kumain ay sumaglit ako sa Northmall dahil bumili ako ng CD and after that ay umuwi na.

Congrats ulit sayo Mike! Hehe! Graduation na ang sunod!

Photo AlbumMeelky ChocolateMay 17, '10 10:15 PM
for everyone


Yan ang isa sa mga binagay ni tita Joy kay ermats. Binuksan na namin siya at kinain. Pero bago nyan ay kinuhanan muna namin ni ate ang chocolate na yan. Actually para siyang imitation ng isang branded na chocolate. Ayun.

Maganda naman siyang tignan pero di ko trip ang lasa niya. Amoy siyang kape na parang pangStarbucks ang dating.

Photo AlbumVisit to Tita Joy's Pad. May 17, '10 10:07 PM
for everyone


Nangyare ang event na ito noong May 15, 2010. Actually may hang-over pa ako nyan kasi kagabi lang nangyare ang inuman at ginising ako ng ermats ko sabi niya kung sama ako sa kanya kela Tita Joy sa Cavite. Sabi ko sige ayos lang basta libre pamasahe.

So ayun umalis na kami sa bahay at ako ay hilo pa at hinintay namin si tita Marie sa may LRT station at kasama niya si Sharmaine then we head to Quirino para sumakay ng bus going to Cavite. So mahaba ang ride kjaya buti na lang may cellphone ako.

Pagkarating sa lugar na iyon ay nagpedicab kami going to tita Joy's home. Then ayun kamustahan na at kwentuhan at kainan. La naman masyado akong ginawa dun kasi la naman akong kausap. Basta lang makasama ko mga kamag-anak ko ok na yun. Kaya kinulit ko na lang si Sharmaine at si ate Boni at nagnet na lang ako sa PC nila.

Ayun umuwi na din kami ng bandang 4 pm.

VideoMay 17, '10 9:56 PM
for everyone

Actually nangyare din ito noong May 14. Biglaan din ang yayaan kasi nasa school nga ako at nakikigulo sa anatomy class ng biglang nagtext si Dave na inuman daw kela Pat. So pumayag naman ako kasi 6 pa ng gabi iyon.

So umuwi muna ako at natulog then nagbihis ako para pumunta na kela Pat. At andoon na si Dave at Kim ng dumating ako at hinintay na lang namin si Mike tapos bumili na kami sa CVC ng aming iinumin at kakainin. So bumili kami ng isang Emperador, GSM Blue, at Cossack Vodka.

Then nagstart na ang inuman namin. Ayun kwentuhan na naman at lokohan at tawanan at naglaro ng baraha. Ocean Queen ang nilalaro namin habang kami ay nagiinuman. Bigla ding dumating si Jomar. Kumain muna siya habang kami ay umiinom na.

Tapos binuksan na namin ang ikalawang bote which is yung Cossack. Grabe ang tapang niya. Kiniwento nga ng kabarkada ko yung experience nya sa inumin na yan. Taloagang nakakalasing yan. Ayun una kasi naming ininom ay Emperador pero wala pang tama sa amin pero nung nagcossack grabe! Gumuguhit!

Tapos may tumawag sa akin sa phone kinausap ko muna tas nung dumating ako ay may nalasing na. Yung kabarkada ko. Sa bidyong yan makikita nyo kung gaano siya kalasing. Grabe kinabahan din kami sa kanya kasi basta sa amin na lang yun.

After that ay kwentuhan na lang ginawa namin tapos dumating tatay ni Pat at pinapatigil na ang inuman namin at pinapauwi na si Pat pati na din kami. So si Kim at Jomar ay hinatid si Dave at si pat naman ay umuwi na at kami naman ni Mike ay umuwi na din.

Ganito pala malasing si Dave!



Download this and other original video files with Multiply Premium.

Photo AlbumInstallation of Bro. Narciso ErquizaMay 17, '10 9:27 PM
for everyone


Last May 14, 2010 isang malaking celebration na naman ang nangyare sa buong DLSAU community. Kasi ito ang araw na kung saan may iluluklok na na bagong presidente ng DLSAU. Actually ang bagong presidente ngayon ay ang ika-17 na. Actually dahil Lasalle system na ang DLSAU ngayon, syempre pinamamahalaan siya ng mga Lasallian Brothers.

So nagkaroon ng misa para sa celebration na iyon at kami bilang mga student council leaders ay kelangan masaksihan ang event na ito at syempre dahil inimbita din kami sa okasyon na ito. So kelangan pa naming magbihis ng aming uniform para lang dito. So sa araw ko lang yan ulit naisuot ang aking puting uniporme.

Anyways, ayun na nga nagstart na ang misa, andoon lahat ng mga teachers, professor, administrators, staff, basta lahat andoon at nagstart ang mass by a parade of guests. Syempre andyan yung mga Lasallaian brothers, mga board of trustees, mga dean, mga guests. Syempre ang nagmass sa amin ay si Bishop Iniguez.

After ng communion ay nandoon na sinimulan ang Installation and oath-taking. So ayun nga pinasa na ng outgoing president sa incoming ang duties and responsibilities, the presidential medallion and mace. Then nagtalk na din ang bagong presidente na patungkol sa kanyang vision sa DLSAU.

After ng mass ay kumain na kami for free. Then kasama ko ang mga kasamahan ko sa SSC at ayun nagusap kami at nagplano for the upcoming freshmen orientation. And then we head to the Lobby for the part 2 of the program. Kaso nga lang dahil kakaunti lang ang lumahok sa program eh nagdecide na lang ako na mak9igulo sa anatomy class ni Doc James tutal nakauniform ako, panindigan ko na na magklase ako kunwari.

So sinulit ko naman ang pagsuot ng uniporme at nakigulo nga ako. Actually tinuro ni Doc James ay tungkol sa reproductive system so bumalik lahat yung natutunan ko nung 2nd sem. Grabe. Nakakamiss din pala ang anatomy class. Dati kasi naiinis ako pag anatomy na pero ngaun namimiss ko siya. Ang wierd pero totoo.

After ng klase ay dumerecho kami ng mga brods at sis ko sa taas upang puntahan si brod Ompong dahil inaasikaso na niya ang bulletin board for SAVER. After naming makita siya ay dumerecho na ako kay Kuya Joel upang makipagkwentuhan then umuwi na para maghanda para sa inuman ng aking kabarkada sa HS.